Monday, May 21, 2012

What I learned in My UPLB/Elbi Life

"Elbi", as most of the townspeople of Los Baños fondly call the place. I can say it was one of the first things I learned. I can almost remember le freshmen me asking, "ano yung elbi?" (what is elbi?). Le current me would say, "this is my home!". How come? I'm from Manila and Batangas yet I'm calling this place as one of my homes? Simple, because living here is fun! It never stops, and so are what you can learn.

Let me enlighten you with how we live life, the Elbi way! (If you want to add more, feel free to put them in the comment box! Thank you!)

Natutunan ko na...
1. maging disiplinado. Sumakay sa tamang loading/unloading area dahil kung hindi, iisnabin ka ng mga driver. Magmumukha kang tanga kapapara pero 'di ka papansinin, bahala ka. Kaya yan ang mga unang dapat matutunan.
Mula sa building na yan hanggang kay Oble ang pila!
(photo from  http://strongerthanseasons.blogspot.com)
2. para sa mga CAS students, 'wag gumaya sa ibang mga late na kumukuha ng form5. Noong freshman ako, ang aga ko. Tapos sabi nila, 'di naman kelangan bumalik agad sa Elbi para magreg. The next sem, tinry ko, ayun, babad sa araw ako! Pero kung gusto pang i-maximize ang bakasyon hangga't posible, go lang. Walang problema...except kung sa CAS ka. Ang ibang college, kaunti lang estudyante, walang pila! Tayo, iba!
3. hindi sapat ang ang Freshmen Tour. Kung ako sa'yo freshie, hatakin ang kakilalang upperclass at 
magpatour. Ipaturo kung nasaan ang mismong CLASSROOM at hindi ang building lang. Sa unang week ko noon, na-absent ako sa isa kong klase dahil naghintay ako ng 1 oras sa maling lecture hall. Nagpatour naman ako, bobo lang talaga ako makatanda ng directions (thanks pala sa aking friend noon na tinour ako kahit hanggang EE building, na nasa dulo na ng Pilipinas este nasa dulo na ng campus at nasa baba na ng bundok). Ano pa ang College of Forestry na nasa bundok mismo? :)
4. hangga't maaari, i-cancel ang 7 am classes (not applicable to new freshmen). Minsan kasi, hindi lang ikaw ang tatamarin, pati ang prof mo. Tapos sa CEAT pa ang klase mo no, tapos wala ang prof, sayang effort! (bitter? haha)
5. ang pagpaplantsa ng damit na isusuot sa klase ay kasing halaga ng pagpapagupit araw. In other words, 'wag ka nang mag-abala! Walang papansin, promise.
6. pwedeng gumising ng 5 minutes before klase, depende kung gaano kalapit ang dorm/apartment mo at gaano kabilis ka tumakbo. Magtoothbrush lang at magpabango, oks na yun. Sana lang pagtapos ng klase mo ay vacant ka na...at hindi dire-diretso buong araw (maawa sa katabi).
7. kung gusto mo ng masarap na chicken, sa Ellen's ka na at wala nang iba. 35 pesos lang, the best in Elbi :) Pero mag-Buffalo Wings din sa Bonitos paminsan-minsan (mahal eh).
8. mas importante ang payong kesa sa school ID. Ang payong pang-araw araw yan, mapaaraw o mapaulan. Ang ID pag exam lang o may kukuning mga documents sa college niyo.
9. maililigtas ang buhay mo minsan ang mga bonus at incentives sa exam. Very true story.
10. kahit sumama ka sa 2 field trip at umattend sa 2 play at 2 pang concerts para sa ISANG subject, pwede ka pa din mabigyan ng mababa...isang paper lang naman ang 'di ko napasa, bakit 2.75 lang ako? Laki ng nagastos ko ah! (bitter pero hindi naman nilinaw sa prof) Marerequire at marerequire ka manood, lalo na pag may GE subject ka.
11. mag-consult! Lalo na tungkol sa absences. Strict ang mga prof lalo na pag large class. Hanggang anim ka lang!
11. i-maximize ang anim na 'yun. Sayang. Pwede ka pang bumawi ng tulog at lakas (pero dapat maganda ang reason okay, hindi dahil maglalaro ka lang ng Tetris Battle--naalala ko bigla ang roommate ko, haha).
12. speaking of roommates, andyan sila para gisingin ka. Madaling araw man yan para may tatapusin kang paper o umaga para hindi ka ma-late sa exam mo o gabi kung may date meeting ka. Andyan din sila para kulitin ka na mag-aral o tapusin ang requirement mo (wala nanay at tatay mo, kaya kung di mo kayang alagaan ng mabuti ang sarili mo, you can ask for help naman).
13. okay lang na ipagkalat na bagsak ka sa exam o subject, lalo na kung notorious yung subject. Understandable, no explanations needed (Math 17? Chem 15? Stat 1? Hello, I'm talking about you) Pwede mo pang sabihin din naman na wala pa sa kalahati sa klase niyo ang pumasa, for added effect.
14. pag ubos na ang allowance mo, umattend sa mga orientation ng mga orgs (free dinner yan!) o sa mga open  tambayan (buffet yan!). Pag wala, andyan ang lugawan, 15 pesos lang o Siomai Fudhaus 18 pesos lang may ulam ka na tapos bili ka ng kanin sa katabi niya na Sulyaw, 6 pesos na rice (buhay kami sa ganyan!).
15. pag kelangan ng matatambayang may aircon at wifi na open 24 hours, maghatak ng kaibigang willing bumili ng 100-peso na kape para samahan ka sa Boston. May free water naman para sa 'yo.
17. may mga bloc na close, meron mga hindi na magkakakilala. Swertihan na lang. Hindi naman kasi kayo lagi magiging magclassmates.
16. oo pwedeng matulog sa Boston; pag mga 3 am na, hotel na ito. Lahat ng tao nakahiga na sa mga silya nila. True story.
18. piliin ng mabuti ang org na sasalihan. Dapat ay malakas ang loob pag sasabak na sa reporting at ang pinakahihintay na finals. Normal lang na maraming nagbaback-out o defer prior sa finals.
LARGE CLASS: kung saan ang classroom nyo ay mga auditorium, 160 ang classmates mo, at nakamic ka pag mag-rerecite. Dyahe.
19. masaya sa large class kasi di ka masyadong mapapansin ng prof mo, pwede ka din magreview sa ibang subject (wag ka lang papahalata). Malungkot naman kasi di mo makikilala masyado mga classmates mo.
20. magresearch about sa prof mo bago mo siya kunin (applicable lalo na kung magpreprerog ka). Madalas kasi, pag tatanungin mo kung mahirap ba ang isang subject, ang isasagot sa'yo ay "depende sa prof".
21. Kung masipag kang estudyante, nagfafinalize ka agad (okay lang ang 7 o 8:30 am classes!). Kung tamad ka, paghihirapan mong mabuti na buuin ang sched mo nang naaayon sa gusto mo (10 am ang allowable na pinakamaaga dapat, walang Monday at Saturday, at maaga ang tapos pag Friday).


22. wag magcramming---wag magpuyat para tapusin ang video report tapos may exam ka ng 7 am tapos ay group presentation ng 8:30 tapos 10 am ay ang video report. Pagdating ng tanghali, goodbye Philippines ka na. Maiiwan mo na ang laptop mo sa jeep dahil sabog ka na. Very true tragic story (sob).
23. pag gusto maghappy-happy, andyan ang Elbi Square. O kaya pag nagtitipid, ang apartment ng friend mo at ang friendly sari-sari store na malamang sa malamang ay may alak na tinda. Kung gustong pumarty, andyan lang ang Java Ave. o IC's Bar. Ilang lakad lang from your dorm, heck, from UP campus.
24. pag problemado/stressed, wag uminom (hindi nga naman lahat nadadaan sa alak, mas masaya uminom pag happy haha). Andyan si Mother Nature. Stroll around Freedom Park, relax, breathe, buy your comfort food, chikahan kayo ng friend mo. O kaya matulog. Want more of Nature? Akyatin at magswimming sa Flat Rocks; bisitahin ang Makiling Botanical Garden; isa-isahin ang mga hot springs sa Los Banos; magpahinga sa ilalim ng Fertility Tree at mag-*____* oops hindi pwede haha.
Freedom Park, with the Carillon Tower and half of the Fertility Tree. Actually, this is only half of the park. 
25. Sulitin ang bawat moment mo, good man yan o bad, mapa-acads man yan o social life. Nasa UPLB ka na, i-enjoy na! Lugi ka pag hindi mo nagawa. The best part? Learning while having fun, ika nga. Hindi ka lang natututo ng Dynamic of Rigid Bodies o Inorganic Chem o Agribiotechnology o scientific name ng mga puno, natututo ka pa ng about sa buhay. Independent and well-rounded, ika nga.

Cheers to the years na darating pa! I learn, most of all, na dapat pa kong mangolekta pa ng mga dapat at pwede pang matutunan. In the most fun way---what's that? Elbi way :)




TIME OF MY LIFE. <3 <3 <3
Location: University of the Philippines Los Baños, Kanluran Rd, Los Baños, Philippines

3 comments:

  1. Namiss ko ang elbi sa post mo. :) Sa Men's dorm ako dati tumira kaya todo-todo experience ko dun. Kasali din pala ako dati sa UP Ravens (Cheering). :) Masaya talaga sa elbi nalalayuan lang ako. Haha! Anyway, thanks sa pagvisit sa blog ko. Followed you btw. :)

    -Mish
    http://starmishie.blogspot.com

    ReplyDelete
  2. Not necessarily na mabibilad ka sa araw. Na eextend din naman ang reg pag bandang huli wala na masyadong tao. hahaha. At may late reg din naman +40 pesos lang walang pila. hahaha. CAS din pala ako.

    ReplyDelete
    Replies
    1. may bayad pag late reg? woa ngayon ko lang nalaman yun ah. hehe...
      sabagay kanya-kanyang diskarte lang din yan. OF pa kasi ako kaya ayun without warning nabilad ako, kahit 8:30 am nakapila na ako. :O

      Delete